GMA Logo Patricia Tumulak tries drift karting
What's Hot

Patricia Tumulak, sinubukan ang nauusong drift karting sa Pasig

By Jimboy Napoles
Published February 8, 2022 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos, pinag-iisipan ang extradition treaty sa Portugal para madakip si Zaldy Co —DILG
NCAA 101 kicks off 2026 with volleyball tournament
Dalagang NAKAAHON SA HIRAP, NALUBOG SA UTANG dahil gastador! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Patricia Tumulak tries drift karting


Gusto mo ba ng bagong exciting na experience? Bakit di mo subukan mag-drift kart kasama ang pamilya at kaibigan?

Gawing mas exciting ang inyong date sa nalalapit na araw ng mga puso kasama ang inyong special someone at subukan ang nauusong outdoor activity na drift karting.

Sa isang episode ng Unang Hirit, ipinasilip ni Dapat Alam Mo! host na si Patricia Tumulak ang isang drift kart deck sa isang mall sa Pasig, City na pwede mong pasyalan.

Available dito ang mga drift kart na mas maliit kumpara sa mga go kart. Pwede mo itong rentahan sa loob ng 15 minuto hanggang 1 oras sa halagang Php200 hanggang Php650, depende kung gaano mo katagal gagamitin.

Exciting daw ang drift karts na mayroon dito dahil marami raw itong kayang gawing drifts kumpara sa mga regular na go kart.

Para sa buong detalye tungkol sa drift karting, panoorin ang video, DITO:

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang outdoor activities ng mga celebrity ngayong "new normal":