
Planong puntahan ni Patrick (John Feir) ang kaibigang si Pepito (Michael V.) para dalhan ng paborito nitong merienda na hopia.
Ang problema, ayaw papasukin ng guard sa village ng mga Manaloto si Patrick.
Ano-ano kaya ang gagawin ng kaibigan ni Pitoy para mapuntahan lang siya sa kanilang tahanan?
At itong si Roxy (Mikoy Morales), may naisip na heart-stopping prank para kina Chito (Jake Vargas) at Ronnie.
Mauwi kaya sa tawanan ang prank ni Roxy o magalit sa kanya nang tuluyan ang mga kaibigan niya?
Tuloy ang paghahatid ng good vibes sa Pepito Manaloto, Kuwento, Kwento! sa bago nitong timeslot na 6:15 PM, pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang all-original musical competition sa GMA-7 na The Clash.
"Bahala Ka" performance nina Nikki, Chito, at Roxy, aprub sa netizens!
Maureen Larrazabal, sinabing may paghihigpit sa pababalik-taping ng 'Pepito Manaloto'
Tony Lopena, ipinasilip ang "new normal" sa taping ng 'Pepito Manaloto'