
Pinatunayan nina Paul Salas at Alamat Jao ang kanilang chemistry at teamwork sa kanilang nagdaang jazz performance sa Stars on the Floor 2026.
Sa kanilang panayam sa isang behind-the-scenes rehearsal, ibinahagi nina Paul at Jao na bago sila sumabak sa matinding rehearsal, sinigurado muna nilang mahasa ang kanilang chemistry.
“So, I think ayun 'yung magiging winning element namin,” sabi ni Paul.
Ikinuwento rin nila na pareho silang nagkaroon ng mga pasa dahil sa kanilang matinding rehearsal.
“'Yung mga pasa namin kasi talagang binigay namin ang lahat diba, na which is sinasabi nila, 2 years sabi nila Coach para bago mo matutunan talaga ang form ng isang jazz,” kuwento ni Paul.
Laking pasasalamat naman nila na kahit matagal ang proseso para matutunan ito, binigyan sila ni Coach LA Bagtas ng solidong foundation sa jazz.
Dagdag pa nila, sobrang “hands-on” si Coach LA sa kanila, kaya mas thankful sila para sa gabay niya.
Itinanghal na 3rd top dance star duo sina Paul at Jao noong March 8 episode, kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Calista dahil sa tie sa scoring.
Abangan pa ang mas nag-iinit na performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, mas kilalanin dito ang Alamat member na si Jao: