
Noong Linggo, March 14, napuno ng mas pasabog na performances ang dance floor sa Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, nagwagi sina Paul Salas at HORI7ON Jeromy bilang 4th top dance star duo.
Ipinamalas nina Paul at Jeromy ang kanilang swag sa kanilang breaking o b-boy performance.
Nakalaban nila sa dance showdown sina Rocco Nacino at 1st.One Joker, na naghatid ng isang breathtaking tango performance.
Noong nakaraang linggo, kinilala sina Paul, Alamat Jao, Jasmine Curtis-Smith, at Calista Denise bilang 3rd top dance star duos matapos mag-tie sa scoring mula sa dance authorities.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: