
Nagpakitang-gilas ang celebrity at P-pop dance stars sa kanilang unang challenge sa paggamit ng props sa kani-kanilang routines sa Stars on the Floor 2026.
Noong March 29 episode, stand out sa dance floor sina Paul Salas at KAIA Sophia matapos silang hiranging 6th top dance star duo.
Pinahanga nila ang Dance Universe at ang dance authority sa kanilang popping performance gamit ang kanilang props na mga timba.
Nakalaban nila sa dance showdown sina Jasmine Curtis-Smith and 1st.One Joker, na nagpakitang-gilas sa kanilang open choreography.
Noong nakaraang linggo, kinilala sina Rocco Nacino at Sophia bilang 5th top dance star duo matapos ang kanilang emosyonal na contemporary performance.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: Top dance star duos who stole the spotlight on 'Stars on the Floor' 2026