
Isa sa mga kaabang-abang na serye ng GMA ay ang upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.
Related content: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference
Ang nasabing serye ay kilala rin bilang Brilliant Legacy na napanood sa Kapuso network noong 2009.
Nagsimula na ang taping para sa upcoming series at makikita sa social media ang masayang bonding moments ng cast.
Ibinahagi ng Kapuso hunk na si Paul Salas sa Instagram ang kanyang video kasama ang co-star niyang si Seth Dela Cruz at mapapanood ang kanilang masayang kantahan habang nasa set.
Napatigil ang dalawa sa pagkanta ng awitin “Nothing's Gonna Change My Love For You” dahil biglang mayroong tumawag sa cellphone ni Paul at ito ay ang kanyang nobyang si Mikee Quintos.
“Wrong timing 'yung tawag. Andun na eh. Bored sa #ShiningInheritance taping with @iamsethdelacruz,” sulat sa caption ni Paul.
Ang Philippine adaptation ng Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.
Kabilang din sa serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charuth.