What's on TV

Paul Salas, Jeremy G, 'It's Showtime' hosts, nagpakitang gilas sa dance floor

By Kristine Kang
Published July 2, 2024 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas, Jeremy G, ADHIKA, and It's Showtime family


Puno ng hiyawan at tawanan ang netizens nang sumayaw ang mga guest at host sa 'It's Showtime.'

Todo saya at energy ang FUNanghalian ng madlang Kapuso sa noontime program na It's Showtime nitong Martes (July 2).

Umpisa pa lang ng programa, mas dumoble ang party mode ng audience dahil sa special performance ng dalawang guests na sina Jeremy G at Kapuso star Paul Salas.

Kasama ang dance troupe na ADHIKA, ipinakita ng duo ang kanilang smooth dance moves on stage. Maraming humanga sa kanilang footworks, swag vibes, at pati ang kanilang synchronization.

Pagkatapos ng kanilang performance, natuwa ang mga host sa kanilang energy, lalo na ang young dance crew.

Pinag-usapan din nina Jhong Hilario ang trending TikTok step ng ADHIKA, kung saan feature ang kanilang smooth footwork na may kasamang iconic hand sign gesture.

Natuwa ang madlang audience kasama sina Paul at Jeremy, nang isa-isa ipinamalas ng mga host ang kanilang dance skills. Meron nag-split, “kaldag” moves, at pati nag-tumbling. Hindi rin nagpatalo si Amy Perez na ipakita ang kaniyang dance skills. Todo sayaw rin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda, na tila nasaktan pa ang kaniyang tuhod.

Sa patok na segment na "EXpecially For You," sumayaw ulit si Vice pero this time kasama si Ogie Alcasid. Natawa ang lahat nang sumayaw ang It's Showtime host na may kasamang kagat labi.

Biro tuloy ni Vice, "Para siya 'yung riniregalo (tuwi)ng Pasko. 'Yung may baterya sa likod. Tapos may hawak na gong (parang cymbal-banging monkey toy)."

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'