
Nag-trending online ang aktor na si Paul Salas matapos ang nakakatawang insidente sa isang performance sa Palawan.
Habang abala sa kanyang song number, hindi sinasadyang nakuha ni Paul ang isang upuan ng audience member na tumayo upang magpa-picture sa aktor. Napaupo sa sahig ang nawalan ng upuan at hindi nakita ng Sparkle star ang pangyayari.
Nakuhanan ng video ang insidente kung saan makikitang todo perform si Paul at biglang kinuha ang upuan.
Humingi naman ng paumanhin si Paul sa kanyang official Facebook page at nagpaliwanag.
Aniya, "Hindi naman kasi sa akin ang upuan kuha ako [nang] kuha. Pasensya, Minamahal kong binibini at hindi ko napansin eh upuan mo pala yun. Bawi ako sayo i love you!!! Mabuti at okay ka."
Maraming netizens ang natuwa sa “relatable” at “nakakaaliw” na moment, at pinuri si Paul sa pagiging kalmado at professional kahit sa gitna ng blooper.
Samantala sa kanyang Instagram, nag-post si Paul tungkol sa viral video.
"Be care-Paul, baka ma-fall," saad sa caption.
RELATED CONTENT: Photos that show Paul Salas's transition from tweetums to hottie