GMA Logo Paul Salas
Celebrity Life

Paul Salas, nagdiwang ng kaarawan kasama ang ilang celebrity friends

By Marah Ruiz
Published April 19, 2025 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas


Ipinagdiwang ni Paul Salas ang kanyang 27th birthday kasama ang ilang mga celebrity friends.

Nag-celebrate ng kanyang 27th birthday noong April 16 si Kapuso actor Paul Salas.

Para ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw, dumayo sa isang private villa na may pool at magandang mountainside video si Paul kasama ang ilan sa kanyang mga showbiz at non-showbiz friends.

Kabilang dito ang mga kapwa Kapuso stars niyang sina Jak Roberto, Prince Clemente, Jay Arcilla, at Nikko Co.

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Paul ang simpleng birthday celebration niya.

Makikita rito na hinandugan siya ng birthday cake ng kanyang mga kaibigan. Bukod dito, magkakasama silang nag-relax sa pool.

Nang lumalim ang gabi, makikita rin si Paul na tumalon mula sa balkonahe ng villa papunta sa pool.

Sulat niya sa caption ng kanyang post: "27.. I'm Ready, Bring it on God …"

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)

Sa comment section ng kanyang post, nakatanggap si Paul ng ilang pang birthday greetings mula sa mga katrabaho niya sa showbiz.

Nag-abot ng pagbati rito sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Donnalyn Bartolome, Lucho Ayala, Mika dela Cruz, Dominic Roque, Ninong Ry, Joaquin manansala, at Rodjun Cruz.

Nag-comment din ng birthday greetings para kay Paul sina entertainment writer Rose Garcia, at mga direktor na sina Easy Ferrer at LA Madridejos.

Bahagi si Paul ng primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Gumaganap siya rito bilang Martin, isang assassin at kapatid ng bidang si Lolong (Ruru Madrid).

Patuloy na tutukan ang Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

RELATED GALLERY: The many times Paul Salas made us swoon with his charming looks