
Ngayong May 1, makikibahagi ang Family Feud sa pagdiriwang ng Labor Day sa isang espesyal at masayang episode.
Tampok ngayong Biyernes ang dalawang teams ng celebrity basketball players para sa isang friendly face-off. Ito ang kanilang exciting preview para sa nalalapit na exhibition game na “Bida sa Arena: An Ultimate Celebrity Showdown.”
Mangunguna sa Team Sparkle si Paul Salas, ang talented actor at dancer ng seryeng The Master Cutter at Lolong. Kilala rin siya bilang regular player sa mga celebrity basketball leagues.
Kasama niya ang isang solid na lineup na kinabibilangan ng rising Sparkle talent at professional basketeer na si Ralph Miaco; ang professional model at basketball varsity noong senior high school na si Mateo Monzones; at ang actor, dancer, at host na si Nikki Co.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Sa team na The Th3rd Floor, maglalaro ang award-winning actor na kilala sa matitinding performances sa pelikula at telebisyon na si RK Bagatsing.
Makakasama ni RK ang equally competitive niyang teammates. Ang mahusay na aktor at dating Pinoy Big Brother housemate na kilala sa pagiging focused at versatile na si Jameson Blake; ang sikat na internet personality na si Tommy Tiangco; at ang multi-talented urban pop artist na si Young JV.
Tawanan, aksyon, at healthy competition ang aabangan sa Labor Day episode ng Family Feud ngayong April 28, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.