GMA Logo Paul Soriano and Toni Gonzaga
Source: paulsoriano1017 (Instagram)
What's Hot

Paul Soriano, may mensahe kay Toni Gonzaga matapos ang inagurasyon ni President Bongbong Marcos Jr.

By Jimboy Napoles
Published July 1, 2022 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Soriano and Toni Gonzaga


Matatandaan na si Toni Gonzaga ang napiling umawit ng "Lupang Hinirang" sa inagurasyon ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Hindi pinalampas ng film director na si Paul Soriano ang pagkakataon na batiin ang TV host-actress at kanyang asawa na si Toni Gonzaga dahil sa impressive performance nito nang awitin niya ang pambansang awit ng Pilipinas sa inagurasyon ng bagong pangulo ng bansa na si President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. kahapon, June 30.

Idinaan ni Paul sa isang Instagram Story ang pagbati niya sa aktres. Makikita rito ang larawan ni Toni habang nakatalikod at nakasuot ng white Filipiniana dress.

"Proud of you, @celestinegomzaga," simpleng caption ni Paul.

Source: paulsoriano1017 (Instagram)

Matatandaan na naging abala rin ang showbiz couple na sina Toni at Paul sa kampanya ng Uniteam nina President Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte kung saan naging campaign host si Toni ng kanilang malalaking rally sa nagdaang eleksyon 2022.

Sa ngayon ay wala pang napapabalitang bagong TV project si Toni matapos nitong magbitiw bilang main host ng reality show na Pinoy Big Brother noong kasagsagan ng kampanya.

Samantala, silipin ang mga naging kasuotan ng mga bisita ni President Bongbong Marcos sa kanyang inagurasyon sa gallery na ito: