GMA Logo Dave Bornea and Pauline Mendoza
What's on TV

Pauline Mendoza at Dave Bornea, inisa-isa ang benefits ng lock-in taping

By Aedrianne Acar
Published May 20, 2021 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOE: Cutting renewable energy charges from Meralco bill may reduce power supply
Non-structural fires in Davao City more than doubled in Q1 of 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Dave Bornea and Pauline Mendoza


Matatandaan na tinapos ng buong production team ng 'Babawiin Ko Ang Lahat' ang kanilang isang buwang lock-in taping bago matapos ang 2020. Anu-ano nga ba ang benipisyo ng ganitong proseso ng paggawa ng drama under the new normal?

Bagama't hindi naging madali ang paggawa ng soap operas ngayon nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic, maraming nakikitang positive results ang GMA Artist Center talents na sina Pauline Mendoza at Dave Bornea sa pagsasagawa ng lock-in taping.

Bago ang naging shoot ng dalawa para sa kanilang Afternoon Prime drama na Babawiin Ko Ang Lahat, sumunod ang buong production team sa strict health protocols tulad na lang ng pagsasagawa ng RT-PCR test at ang lahat ng makakasama sa show ay hindi makakalabas sa tinatawag nilang “bubble” para maprotektahan lahat sa nakakahawang coronavirus disease.

Sa one-on-one interview ng cast sa GMANetwork.com noong nakaraang linggo bago ang finale ng patok na drama serye, ibinahagi nila Pauline at Dave ang ilan sa benefits ng pagsasagawa ng lock-in taping.

Ayon kay Pauline, “It's a new experience for all of us, lalo na noong nagkaroon tayo ng pandemic, since kami shinoot namin ng one-month long na tuloy-tuloy and hindi kami ume-ere. So, siyempre mero'n din konting kaba, doing the soap.”

Napansin din ng promising drama actress na hindi naapektuhan ang kalidad ng kanilang soap, kahit madaming limitations ngayong may pandemya.

“Pero, siyempre hindi naman kami pinabayaan ng GMA, hindi kami pinabayaan ni Direk Jules (Katanyag). So, the quality itself, it still the same, it still okay, and it is still nice.

“Noong napanood namin 'yung execution sa soap na ginawa namin, nagulat kami--actually nagulat ako, ang ganda!

“Talagang parang wala pang pandemic. 'Yung naging execution parang walang pandemic na [parang] normal taping. So, 'yun nga hindi kami pinabayaan, so ang ganda.”

Source: GMA Network

Para naman sa leading man niya sa istorya na si Dave Bornea, dahil tapos na ang kanilang shooting at nagagawa niya mapanood ang bawat episode ng Babawiin Ko Ang Lahat, mas napag-aaralan daw niya ang mga dapat niyang i-improve pa bilang aktor.

Paliwanag ng StarStruck alum, “Sa akin naman good naman siya, kasi dati habang nagti-taping kayo, umeere na di ba?

“May mga times na gusto mo panoorin eksena n'yo, hindi mo mapapanood. So, ngayon since nakalatag na siya. May span na siya na matatapos and then may mga point of view ka na, 'Ah, alam ko na mangyayari.'

“Pero then pag nilabas na siya, ini-ere na siya napakaganda niya. Sobrang surprising lang na, 'wow ito pala kalabasan',”

“Parang mas maco-compare mo rin, mas makakapulot ka nung ano 'yung i-improve mo, ano 'yung aayusin mo ganun.. Puwede ka pumili ng mga aral na puwede mo baguhin, may mapapansin ka na, 'ah ito dapat baguhin ko talaga 'to.'”

Huwag bibitaw sa finale episode ng Babawiin Ko Ang Lahat, bukas May 21, pagkatapos ng Karelasyon sa nangungunang GMA Afternoon Prime.

Sa pagtatapos ng serye, ating balikan ang naging lock-in taping experience ng cast noong 2020 sa gallery below: