GMA Logo Pauline Mendoza and Rita Avila on MPK
What's on TV

Pauline Mendoza, humanga kay Rita Avila sa '#MPK'

By Aedrianne Acar
Published March 6, 2020 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PAGASA forecast cloudy skies, isolated rains over PH on Good Friday
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Pauline Mendoza and Rita Avila on MPK


Naging komportable raw si Pauline Mendoza sa mga eksena nila ni Ms. Rita Avila sa #MPK.

Mapapabilib ang Kapuso veiwers sa ipamamalas na pag-arte nina Pauline Mendoza at Elijah Alejo sa episode ng #MPK (Magpakailanman) sa Sabado ng gabi, March 7.

Bibida ang dalawa sa kuwento ng “The Abandoned Sisters,” kung saan gaganap si Pauline bilang Madel. Bibigyang buhay naman nina Therese Malvar at Elijah Alejo ang karakter nina Carla at Mylene, mga kapatid ni Madel.

Sa panayam ni Papa Obet sa Sikat kahapon, March 7, ikinuwento ni Pauline ang experience niyang makatrabaho ang dekalibreng aktres tulad ni Rita Avila sa unang pagkakataon.

Sa nauna niyang panayam sa Bidang-bida sa Dobol B, sinabi ng Kapuso actress na memorable para sa kanya ang confrontation scene nila ni Ms. Rita sa "The Abandoned Sisters."

“Si Ms. Rita [Avila] very sweet siya actually.

“Talagang happy din ako na first time ko siya nakatrabaho kasi 'yun nga sa set tulungan din talaga, hindi naman mawawala 'yun sa lahat mong nakakatrabaho mo na artista.” pahayag ni Pauline, na unang nakilala sa role niya sa primetime series na Kambal Karibal noong 2017.

Dagdag niya, “And magaan na katrabaho si Ms. Rita, siyempre, mahirap 'yung mga eksena naming dalawa 'yun na nga 'yung confrontation.

“Magaan siya katrabaho, hindi ko nahirapan bumitaw ng emotions na kailangan sa eksena.”

Pauline Mendoza, nahirapan bumitaw sa eksena nila ni Rita Avila sa '#MPK'

Samantala, pinuri ni Papa Obet ang teen star na si Elijah Alejo sa mahusay nitong pagganap bilang si Brianna sa highest-rating daytime drama na Prima Donnas.

May pabiro pang mensahe si Elijah sa lahat ng tao naiinis sa kanyang karakter sa Prima Donnas.

“Gusto ko lang magpasalamat dahil naiinis sila akin, joke…Siyempre po masaya po ako dahil first time ko po na gumanap ng kontrabida.”

Hindi rin daw dapat palagpasin ang mga susunod na mangyayari sa kanilang afternoon soap.

Wika ni Elijah, “Maraming-maraming-marami pa po kasi ngayon pa lang po magsisimula ang istory ng Prima Donnas.”