GMA Logo Pauline Mendoza and Manolo Pedrosa
What's on TV

Pauline Mendoza, ibinuking ang reaksyon ni Manolo Pedrosa sa tambalan nilang dalawa

By Aimee Anoc
Published November 4, 2021 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Pauline Mendoza and Manolo Pedrosa


Ano kaya ang reaksyon ni Manolo na maka pareha si Pauline? Alamin 'yan dito:

Sa press interview noong Miyekules (Nobyembre 3), masayang binalikan ni Pauline Mendoza ang reaksyon ni Manolo Pedrosa sa tambalan nilang dalawa.

Kakatapos lamang noong Sabado, October 30, ang romantic comedy series na pinagbidahan nina Pauline at Manolo na My Fantastic Pag-ibig: Sakalam. Ito ang pangalawang pagkakataon na nagsama sa iisang proyekto sina Pauline at Manolo, at dito ay naging magka-loveteam sila.

"Sobrang happy nga ni Manolo kasi sabi niya, 'Finally, naka-love team na kita,'" pagbabahagi ni Pauline.

Unang nagkatrabaho sina Pauline at Manolo sa GMA Afternoon Prime na Babawiin Ko Ang Lahat kung saan kaibigan lamang ni Pauline ang karakter ni Manolo. Kaya naman masaya ang kanilang fans na sa wakas ay naging magka-love team sila.

"Naging third wheel lang siya. So this time sa 'My Fantastic Pag-ibig: Sakalam' naging magka-loveteam kami. So very happy siya (Manolo), nakakatuwa.

"Noong 'Babawiin Ko Ang Lahat,' mayroon ding mga fans na team Manolo, mayroon ding team Dave. So finally 'yung mga team Manolo nu'ng nakita kami together sa 'My Fantastic Pag-ibig' natuwa sila," dagdag ng aktres.

Ayon kay Pauline, looking forward siya na muling makatrabaho si Manolo sa isang proyekto.

"Masayang katrabaho si Manolo kasi I've been with Manolo... actually naka-batch ko s'ya sa workshop. Magkakilala talaga kami. Naging comfortable kami sa isa't isa. So very light katrabaho si Manolo kaya sana next project," sabi ni Pauline.

Samantala, mas kilalanin pa si Pauline Mendoza sa gallery na ito: