
Good vibes ang hatid ng fun noontime program na It's Showtime ngayong Lunes (July 28)!
Hindi lang isa o dalawa, kundi apat na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition stars ang nakisaya sa hosts at sa madlang people.
Sa unang segment na "MASASagot Mo Ba?", game na game na naglaro ang ex-housemates na sina Ashley Ortega, Kira Balinger, at Josh Ford.
Bago pa ang tapatan, nagkaroon pa ng dance duet ang Kapuso actor at si Vhong Navarro sa kantang "Don Romantiko."
"Wow! Pangarap ko 'to grabe!" ani Josh habang sumasayaw.
"Lagi niya kasi sinasayaw sa TikTok ang 'Don Romantiko. Kaya thank you Josh!" dagdag naman ni Vhong.
Sa weekly finals naman ng "Escort Mo, Show Mo", muling bumalik on stage si Ashley Ortega bilang isa sa mga hurado.
"Hoy, abangan n'yo rin si Ashley mamaya sa 'Tawag ng Tanghalan'," biro ni Jhong Hilario.
"Yes, judge din sya. Susulitin niya ang araw na 'to," hirit ni Vhong.
"Buong It's Showtime segment tayo," sabi naman ni Ashley.
Mas lalong nadagdagan ang PBB fan craze nang maging special host ang Kapamilya housemate na si Bianca De Vera.
"Parang little Anne Curtis ito no?" komento ni Jhong. "Kumakanta ka rin ba? Sample naman!"
Game namang kumanta si Bianca ng “Buko” ni Jireh Lim, na ikinatuwa ng audience.
"Sabi ko sa'yo Anne Curtis, e." pang-aasar pa ni Jhong.
"Feel na feel niya ang pag-awit," dagdag ni Vhong.
Banat naman ni Bianca, "Passion ko po 'yan. Lagi ko po sinasabi, I don't have the talent pero may passion."
Ang pag-guest ng PBB stars ay kaagad pinag-usapan online, lalo na sa X (dating Twitter). Nag-trending pa nga ang pagho-host ni Bianca sa noontime program, pati na rin ang kilig na dala ng loveteam na Kira at Josh (KiSh)!
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED CONTENT: Silipin ang naging bonding moments ng PBB Celebrity Collab stars sa outside world: