
Pagsagot naman ng top answers ang task ng Big Four Duos ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition sa kanilang pagbisita sa Family Feud.
Ngayong July 30, magsasama-sama sa Family Feud stage at magpapakita ng husay sa pagsagot ang Team Reality Royalty at Reality Rockstars. Bukod sa tapatan, masasaksihan din ng mga manonood ang signature charm, chemistry, at witty kulitan ng PBB Celebrity Collab Edition Big Four Duos.
Mula sa Team Reality Royalty maglalaro ang big winners na sina Brent Manalo at Mika Salamanca. Sasamahan sila ng kanilang fellow finalists sa PBB Celebrity Collab Edition na sina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo.
Hindi naman pahuhuli ang team na Reality Rockstars. Maglalaro sa Family Feud ang "nation's son" at internet-dubbed "Kaldag King" na si Will Ashley. Kasama niya sa pagsagot ng top answers sina Ralph De Leon, AZ Martinez, at River Joseph.
Huwag din palampasin sa episode na ito ang dance showdown nina Will at Brent.
Abangan ang fun and friendly feud ng PBB Celebrity Collab Edition Big Four Duos sa Family Feud ngayong July 30 sa GMA.
“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.