
Napalabas man sa Bahay ni Kuya, tila napawi naman ang lungkot ni Shuvee Etrata nang salubungin siya ni Anthony Constantino at ng iba pang mga kaibigan niya matapos ang eviction sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Kilig pa ang hatid ng kanilang muling pagtatagpo, na kahit ang ka-duo ni Shuvee na si Klarisse de Guzman ay napa-re-enact pa sa kanyang viral moment sa loob ng PBB House.
Aniya, "Sobrang OA! Sorry kung natapakan ko ang pagka-love team n'yo!"
Related gallery: Anthony Constantino: the 'balikbayan heartthrob' of Sparkle
Bukod kay Anthony, sinalubong din si Shuvee ng kanyang mga kaibigang sina Roxie Smith, Sugar Mercado, Ashley Ortega, at Skye Chua.
Courtesy: GMA Network on Facebook
Sina Shuvee at Klarisse ang bagong evictees sa hit show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa ngayon ay limang duo na lamang ang natitira sa loob ng Bahay ni Kuya. Ito ay sina Ralph de Leon at Will Ashley; Mika Salamanca at Brent Manalo; Charlie Flemming at Esnyr; Dustin Yu at Bianca de Vera; at AZ Martinez at River Joseph.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity
Collab Edition
Patuloy na subaybayan ang inyong paboritong housemates.
Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.