
Nasa outside world na ang Sparkle star na si Bianca Umali.
Si Bianca ay napanood kamakailan lang bilang houseguest sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa kaniyang paglabas sa iconic house, tila maraming naiuwing life lessons at experiences ang ex-Kapuso houseguest.
Mababasa ang tungkol sa mga ito sa kaniyang latest post sa Instagram, kung saan inilarawan niya ang kaniyang naging Pinoy Big Brother experience.
Ayon kay Bianca, “Had such a magical experience sa loob ng Bahay Ni Kuya.
“Inside the house, I got to express a part of my love language-cleaning, chose to show my true self, made new friends, and to top it all off, through Big Brother, I was able to make my mommy's dream come true,” pagbabahagi niya.
Kasunod nito, ipinakilala niya sa kaniyang followers at fans ang kaniyang late mom bilang official housemate.
“Everybody, meet my Mommy May, an official housemate of Pinoy Big Brother,” sulat niya.
Samantala, hindi rin pinalampas ni Bianca ang pagkakataon na ipaabot ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta at sumubaybay sa kanya habang nasa loob siya noon ng Bahay Ni Kuya.
“Maraming Salamat po, mga Kapuso, mga Kapamilya, at lalo po sa'yo, Kuya. Habangbuhay nakatanim sa puso at isip ko ang masayang adventure na pinagdaanan ko po rito.”
Sa huling parte ng kaniyang post, nagbiro pa si Bianca tungkol sa paglilinis niya sa Bahay Ni Kuya.
“Pa-rate na lang din po, how's my cleaning? Joke, joke lang po,” pahabol niya.
Mapapanood si Bianca Umali ngayong taon sa nalalapit na pagpapalabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Samantala, patuloy na tumutok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang PBB weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
RELATED CONTENT: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition