
Labis na nasorpresa ang celebrity housemates sa pagpasok ng bagong houseguests sa Bahay ni Kuya.
Sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ginulat ni Big Brother ang Kapuso at Kapamilya stars sa pagdating nina BINI Jhoanna at BINI Stacey.
Related gallery: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Bago i-reveal ang pasabog na sorpresa, binigyan ng pagkakataon ni Kuya ang housemates na isa-isang magpa-picture sa life size standees ng BINI members na nasa loob ng iconic house.
Nang tawagin ni Kuya si Esnyr para mag pa-picture, sobrang umasa siyang mayroon na agad siyang makikitang miyembro ng Filipino girl group hanggang sa ini-reveal na kung sino ang bagong houseguests.
Pigil na pigil si Esnyr nang makaharap niya sa garden sina BINI Jhoanna at BINI Stacey.
Bukod sa Kapamilya star, tuwang tuwa rin at tila hindi makapaniwala ang bagong housemate na si Shuvee Etrata at iba pang celebrity housemates sa pagdating ng dalawang BINI members.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition tuwing weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.