
Mas magiging madali na ang paglalaro ng lotto ngayon matapos ilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang kanilang E-Lotto digital platform. Bukod pa rito, maagang pamasko ang hatid nila dahil ang minimum jackpot ng Ultra Lotto 6/58 at Grand Lotto 6/55 ay nasa P500 million each na at kung susumahin, nasa P1 Billion ang pwede mapalunan na mga manlalaro bago mag Pasko.
Ibinahagi ng PCSO na ang layunin ng E-Lotto ay mabigyan ang mga Pilipino ng iba at mas madaling paraan para makapaglaro ng lotto. Ibinahagi rin ni PCSO Vice Chairman and General Manager Mel Robles sa isang media briefing na isa sa mga dahilan ng pag lunsad ng E-Lotto ay ang pagbaba ng sales ng PCSO noong pandemic dahil sa lockdown.
“Should anything happen, at least may option tayo kasi ang kawanggawa po, hindi pwedeng maghintay at 'di pwede ipagpaliban. Kailangan namin to continuously generate funds,” sabi niya.
Available na ngayon sa website ng PCSO ang E-Lotto, pero pinaplano na nilang maglunsad ng isang mobile app para dito.
Ayon rin sa PCSO, nakikita nila ang pagtaas ng kanilang sales hanggang P70 Billion sa paparating na taon dahil sa E-Lotto.
BALIKAN ANG KUWENTO NG MAG-ASAWANG LOTTO WINNERS SA MPK SA GALLERY NA ITO:
Ipinaalala rin ng PCSO na 18 years old pataas lang ang maaaring mag-register, at kailangan ay mayroong government-issued na ID at local number.
Ayon din sa PCSO na maaaring gumamit ng mga e-wallets para mag-top-up sa E-Lotto, at lahat ng premyo ay maaaring makuha digitally. Samantala, tiniyak naman ng Pacific Online Systems Corporation o POSC, ang system provider ng E-Lotto, na secure ay may comprehensive security program ang sistema nila.
“This is to protect player data from unauthorized data access or even disclosure. We have measures such as data encryption, access control, security audits, audit logs, network security, and data loss prevention,” pagbabahagi ni Jackson Ongsip, presidente ng POSC.
Samantala, maagang pamasko naman ang handog ng PCSO sa mga bettors dahil nasa P1 Billion na ang pinagsamang papremyo ng 6/58 at 6/55 lotto games.
Ayon kay Robles ay parte ito ng kanilang “Handog Pasabog” Christmas draws.
“We made it sweeter by making it 500 million 'yung dalawang jackpots…We'll give you the best of both worlds. We give you a big jackpot and we'll also give you the chance to help. That's our Christmas gift,” sabi niya.