
Napapanood na ngayon sa Netflix Philippines ang pelikula ng Eat Bulaga host na si Paolo Contis na Ang Pangarap Kong Oskars.
Kasama ni Paolo sa nasabing pelikula ang iba pang Kapuso gaya ng The Missing Husband actor na si Joross Gamboa at sexy actress na si Faye Lorenzo.
Sa katunayan, nasa Top 10 Movies in the Philippines ngayon ang nasabing pelikula sa naturang movie streaming platform.
Sa isang Instagram story, proud na ibinahagi ni Paolo ang screenshot ng pagkakasama ng Ang Pangarap Kong Oskars sa trending movies ngayon sa Netflix.
Paolo Contis, proud sa kaniyang pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars na napapanood ngayon sa Netflix.
Noong June 28, 2023, unang napanood sa mga sinehan ang naturang horror-comedy film na unang proyekto rin na magkasama nina Paolo at Joross.
ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA PREMIERE NIGHT NG ANG PANGARAP KONG OSKARS SA GALLERY NA ITO:
Ang kuwento ng Ang Pangarap Kong Oskars ay tungkol sa magkaibigan na sina Bobby B (Paolo Contis), isang ambisyosong producer, at DMZ (Joross Gamboa) na isa namang weirdo na direktor.
Ang kanilang pangarap na makatanggap ng “Oskar” award ang magdadala sa kanila sa isang maaksyon, at nakakakilabot na paggawa ng pelikula.