GMA Logo Pepita Curtis Tuesday Vargas Kitkat
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
What's on TV

Pepita Curtis, Tuesday Vargas, Kitkat, maghahatid ng saya sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published November 12, 2023 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Minor Strombolian activity seen on Day 111 of Mayon’s effusive eruption
PSA: Davao region maintains largest economy in Mindanao
Farm to Table: (April 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Pepita Curtis Tuesday Vargas Kitkat


Humanda nang makisaya kasama sina Pepita Curtis, Tuesday Vargas, at Kitkat sa 'TBATS' ngayong Linggo (November 12).

Ngayong Linggo, tatlong magagaling na stand-up comics ang maghahatid ng saya kasama sina Boobay and Tekla sa The Boobay and Tekla Show.

Mapapanood dito ang talented singers at comediennes na sina Pepita Curtis, Tuesday Vargas, at Kitkat.

Maglalaban ang guest celebrities sa “Throwback Picture Quiz” kung saan kailangan nilang ma-identify ang ilang throwback photos ng celebrities. Haharap sa consequence ang matatalo sa nasabing laro.

Ipagdiriwang din ng TBATS ang kaarawan ni Boobay this Sunday. Makatatanggap ang seasoned comedian ng surprise video greeting mula sa isang taong malapit sa kaniyang puso. Sino kaya ito?

Isang sorpresa pa ang naghihintay para kay Boobay dahil babasahin nina Pepita, Tuesday, at Kitkat ang kaniyang juiciest private messages sa “Phone Raid.”

Huwag palampasin ang masayang episode ng The Boobay and Tekla Show mamayang 10:25 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.