
Makakarelate ang mga mag-ama sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado (August 1).
Tila may hugot si Pepito (Michael V.) sa panganay na anak na si Chito (Jake Vargas). Nang magprisinta kasi ito na siya ang susundo sa kaniyang Ninong Bading/ Ninong Buddy (Richard Quan), nagkaroon ito ng other commitment kaya pinroblema tuloy ng bida milyonaryo kung paano masusundo ang kaniyang kumpareng balikbayan.
Napagalitan tuloy si Chito at mukhang naiisip pa nito na disappointed ang kaniyang ama lalo na at iniiwasan siya nito.
Makapag-usap kaya sina Pepito at Chito para maayos ang gusot sa kanilang relasyon?
Sundan ang mangyayari sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na August 1 sa oras na 7:15 pm, pagkatapos ng The People Have Spoken.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now