
Pagsisihan kaya ng mag-asawang Manaloto ang ginawa nilang pagtulong sa isang nangangailangan lalo na at ito ay isang social climber?
#LottoFever: Naalala n'yo pa ba ang winning lotto number na tinaya ni Pepito Manaloto?
Hindi magugustuhan nina Pepito at Elsa ang asta ng kababata ni Pitoy na si Karen na pinatuloy nila sa mansyon matapos masunugan ng bahay.
Ang siste mas amo pa kung kumilos ang social climber na si Karen kesa sa milyonaryo nating bida.
Welcome pa ba ito na manirahan sa tahanan ng mga Manaloto?
Tutukan ang pagbabalik ng Kapuso versatile actress na si Jean Garcia sa muling pagganap nito bilang si Karen sa multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend this October 13.