
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 7.5 percent TV rating last January 31 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
May masakit na bonding ang mag-BFF na sina Pepito (Michael V.) at Patrick (John Feir) nitong Sabado!
Nakilala kasi ng dalawa si Mang Gusting (Archie Adamos), isang arnis master.
Naisipan nina Pepito (Michael V.) at Patrick (John Feir) na magandang magpaturo sa matanda kung paano gumamit ng arnis.
Matupad kaya ng mag-best friend ang goal nilang maging arnis experts o matitikman lang nila ang hagupit ni Mang Gusting?
Balikan ang mga nangyari sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa videos below:
Cara, may manliligaw sa opisina!
Si Ryan, ang empleyadong lahat ay pino-pormahan!
Ang kabataang pinagkait kay Baby
Washing machine with free trial!
"Testing muna bago bili" scam ni Tommy
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.