
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 7.2 percent TV rating last July 12 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Napa-hashtag 'awkward' na lang si Elsa (Manilyn Reynes) nang bisitahin siya sa KTV ng best friends niya noon sa kolehiyo, ang taga-Amerika na si Betty (Arlene Muhlach) at si Amor naman na isang hotel manager sa Canada.
Masayang reunion sana ito kasama ang kanyang mga BFF, pero hirap na hirap si Elsa dahil walang mapagkasunduan at tila irita ang dalawa sa isa't isa.
Magkaroon kaya ng bardagulan ang mga balikbayan BFF ni Elsa?
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi:
The end of Tere's tindera era!
Clarissa, naka-move on na sa ex-boyfriend!
'Pag umuutang, mabait, kapag sinisingil, galit!
Kapon idea ni Maria
Iba ang saya kapag may pera!
Sobra ka sa decluttering, Maria!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.