
Hinahanap-hanap n'yo ba ang kulitan ng mga empleyado ni Sir Pepito (Michael V.) sa PM Mineral Water? May patikim ang transgender beauty na si Mara (Maureen Larrazabal) sa kuwelang samahan nila!
Sa TikTok page ni Maureen, ipinakita nito ang isang short dance cover tampok sina Chariz Solomon, Cherry Malvar, at John Feir.
May appearance din ang award-winning nilang creative director na si Bitoy.
@iammaureenelarrazabal Sa wakas sumama si sir Pepito sa tiktok namin🥰 #fyp #pepitomanaloto @imcherrymalvar @chariz_solomon @Michael V. BitoyStory @John Feir ♬ original sound - Maureene larrazabal
Kasama rin ni Maureen Larrazabal sa isa pang TikTok content ang highly-respected director at talent manager na si Ronnie Henares na gumaganap bilang Tommy.
@iammaureenelarrazabal balikan na ba?🥰 #fyp #pepitomanaloto #maureenelarrazabal ♬ original sound - Arthur Nery
Kaya kung sobra n'yo silang na-miss, abangan ang exciting na magaganap sa flagship Kapuso sitcom na Pepito Manaloto sa Sabado Star Power sa Gabi soon!
Heto naman at balikan ang ilan sa bonding moments ng cast sa galleries below: