
Memorable para sa theater actress na si Cherry Malvar nang una siyang sumabak sa multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.
EXCLUSIVE: Nanay ng multi-awarded actress na si Therese Malvar, napapanood sa 'Pepito Manaloto'
Gumaganap si Cherry bilang madaldal at mali-maling empleyado ni Pepito [Michael V] sa PM Mineral Water.
Sa one-on-one interview ng aktres sa GMANetwork.com, ikinuwento niya ang experience niya nang first time niya mag-taping sa patok na comedy show ng GMA-7.
Wika nito, “Yung first time ko talaga, kasi ang nakakatawa dun minimemorize ko ng sobra dahil ang laki ng expectations sa akin.”
“Ayoko magkamali kasi ang alam ko si Kuya Bitoy [Michael V] ano 'yun eh word per word, huwag ka magdadagdag, huwag kang magbabawas kasi lahat 'yun may meaning at may cue ang bawat actors. So minemorize ko siya ng sobra.”
“Tapos biglang on that day 'ay biglang revised pala 'yung script, hindi ako na-inform so memorize agad ako.”
Puro din papuri si Cherry Malvar sa mga madalas niyang kaeksena sa Pepito Manaloto na sina John Feir, Chariz Solomon, Ronnie Henares at Maureen Larrazabal.
Kuwento niya na hindi raw pinaramdam ng mga ito na isa lamang siyang talent na may maliit na role sa sitcom.
Saad ni Cherry, “Nakakatuwa sila sa set kasi natatandaan ko sa first taping day ko pa lang binati talaga nila ako. Wala silang wall, 'ay mga talents lang yan,' hindi [sila ganun].”
“Kaya natuwa din ako, maganda maging guest dun. At home ka. Alam mo ba pag nagkakamali kami pinagtatawanan lang din, magaan kasi pag sitcom.”
Good vibes ang hatid ni Pitoy at nang buo niyang pamilya sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento tuwing Sabado ng gabi bago ang Daddy's Gurl!