
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 8.9 percent TV rating last December 6 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Problemado si Clarissa (Angel Satsumi) hindi dahil sa school, pero dahil sa manliligaw na si Rocky (Cartz Udal) na ubod ng kulit.
Ang confidence pa ng manliligaw ay 'to the highest level' nang pumunta sa bahay nila at feeling close agad kina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes).
Maitaboy kaya ni Clarissa si Rocky sa tulong ng 'pretend boyfriend' niya na si Jigs (Dom Pangilinan)?
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi dito:
PaNice, sumabit sa trabaho!
'Yung empleyado mong walang hiya
Patrick, umuwing warak ang shorts!
Clarissa's fake boyfriend vs. the new suitor!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.