
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 7.9 percent TV rating last December 20, base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Malalagot ba ang bida milyonaryo nating si Pepito (Michael V.) nang makita ni Elsa (Manilyn Reynes) ang isang pambabaeng keychain sa kotse niya?
Ang PM Mineral Water CEO, mala-Gilas Pilipinas ang pagiging defensive kung kanino galing ang keychain dahil napahirit pa si Baby (Mosang) kung sino ang babae na sinakay ng kanyang amo!
Magiging 'Labubu-wisit' ba ang magiging Pasko sa pagitan nina Pepito at Elsa?
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa videos below!
Inang binalikan, iniwan din?!
Mimi, nagtampo kay Deedee!
Patrick, nagkanda-leche-leche sa misis!
Simbang gabi bonding ng Manaloto sibs!
Mga empleyadong gagawin ang lahat para sa bonus!
Maligaya ang Pasko 'pag sama-sama at may bonus!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.