
Malungkot ang magiging pagbisita ni Roxy (Mikoy Morales) sa isang mahal sa buhay sa upcoming episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado ng gabi.
Masama na ang lagay ng grandmother ni Roxy na si Lola Tessie (Toni Rose Gayda) at may huling hiling pa ito sa kaniyang beki na apo na magbago. Wish niyang tumulad si Roxy sa pinsan niyang barako na si Brix!
Magawa kaya ng bestfriend ni Chito (Jake Vargas) ang pakiusap ng kaniyang Lola Tessie?
Samantala, ang ating bida milyonaryo na si Pepito, mahihilig sa boxing.
Kaya naman nang isangla ng boxing trainer niya na si Arlon ang isang rare memorabilia na original ticket sa "Thrilla in Manila" event noong 1975, binili niya ito. Jackpot pa siya nang malaman ni Chito na ang naturang ticket ay nagkakahalaga ng kalahating milyong piso online!
Pero, mapapalitan ng lungkot ang saya ng mister ni Elsa (Manilyn Reynes) nang matulog ito sa sala at biglang nawala ang rare ticket niya.
Mahanap pa kaya ni Pitoy ang kaniyang most-prized possession?
Unli ang saya sa hit Kapuso sitcom,dahil makakasama natin sina Toni Rose Gayda, Andrew Schimmer, at Arthur Acuña!
Mag-bonding with the whole family ngayong Sabado sa panonood ng Pepito Manaloto, Tuloy Ang Kuwento 6:15 PM, after 24 Oras Weekend at bago ang Battle of the Judges.