
Mas makilala pa nang husto nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes), ang boyfriend ni Clarissa (Angel Satsumi) sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong September 2.
Inimbitahan ang mag-anak na Manaloto sa isang birthday dinner ng Mommy ni Jacob (John Clifford) na si Jennifer.
Maging maganda kaya ang first impression nina Jennifer at Jonathan sa parents ni Clarissa?
But wait! Paano naman kaya kung makilala rin ni Jacob ang big family ni Clarissa sa mother side- ready kaya ang binata sa isang big family reunion?
MEET THE SPARKLE CUTIE PORTRAYING JACOB:
Big ang tawanan sa award-winning sitcom, dahil sa dami ng ating guests this week! Abangan sina Che Ramos-Cosio, Emil Sandoval, Chrome Cosio, Patricia Ismael, Milkah Nacion, Julia Chua, at Jimwell Ventinilla.
Sulit ang pahinga sa weekend kapag nanood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento tuwing Sabado sa oras na 6:15 PM pagkatapos ng 24 Oras Weekend.