GMA Logo Pepito Manaloto new timeslot
What's on TV

'Pepito Manaloto', mapapanood sa bagong oras simula December 21

By Aedrianne Acar
Published December 16, 2024 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto new timeslot


Tutukan ang multi-awarded Kapuso sitcom na 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' sa bago nitong oras na 7:15 pm ngayong Sabado, December 21.

Kailangan n'yo ba ng feel-good bonding moment with the whole family?

Huwag nang maghanap ng iba dahil hatid ng multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ang hinahanap-hanap n'yo na quality time!

At simula sa darating na December 21, mapapanood n'yo na ang kulit adventure ng pamilya Manaloto, kanilang mga kapitbahay at pati na rin ang kuwela nilang mga empleyado sa PM Mineral Water sa bago nitong oras.

Tutukan ang Pepito Manaloto tuwing Sabado sa oras na 7:15 pm, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Samantala, patuloy pa rin ng paghakot ng parangal ang Manaloto fambam bago matapos ang 2024.

Kinilala ang flagship sitcom sa katatapos pa lamang na Anak TV Awards kung saan nasungkit nito ang parangal bilang Household Favorite Program.

Pinarangalan din si Direk Michael V. bilang isa sa mga showbiz personalities na nakatanggap ng Makabata Star recognition.

Nakasungkit din ng award si Bitoy at ang Pepito Manaloto sa 7th Gawad Lasallianeta awards.

Panalo ang Kapuso ace comedian sa kategoryang Most Outstanding Comedian at ang sitcom naman ay nakuha ang award for Most Outstanding Comedy Show.