
Busy sa mga booking at napupuyat sa kaka-pick up? Ito ang mga nakakabahalang narinig ni Mara (Maureen Larrazabal) tungkol sa trabaho ni Chito (Jake Vargas).
Laking gulat ng pretty transwoman nang maulinigan ang kuwento ni Vincent (Tony Lopena) kay Janice (Chariz Solomon) na gustong i-book ni bakla ang panganay ng boss niya.
Dahil dito, kokomprontahin ni Mara si Pitoy, kung bakit pumayag ang ating bida milyonaryo na maging Papa si Chito.
Ano bang klaseng trabaho ang iniisip nito tungkol sa pagiging Papa Deliver ng only son nina Pepito at Elsa (Manilyn Reynes)?
Balikan ang mga tinutukan eksena sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last March 18 sa video below.
Heto pa ang ilang highlights ng high-rating Kapuso sitcom na masarap ulit-ulitin.
'Yung nagpadeliver ka pero ikaw 'yung item
Best supportive parents go to… Pepito at Elsa!
Janice o Hotdog? Choose wisely, Patrick!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.
At kung wala naman kayo sa inyong mga bahay, mapapanood n'yo pa rin ang hatid na tawanan ng Manaloto family via livestreaming tuwing Sabado ng gabi.