
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 8.7 percent TV rating last October 18, base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Ang balikbayan bisita nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes), may pagkamayabang ah!
Ang pinsan kasi ni Pitoy na si Rex (Jeffrey Hidalgo) na from Boston, Massachusetts, walang ginawa kung hindi i-flex ang buhay niya sa Amerika.
Mula sa suweldo nito at pagkain sa mamahaling restaurant, lagi niyang ibinibida sa mga nasa mansyon.
Matagalan kaya ni Pepito ang kayabangan ni Rex?
'Yung pinsan mong parang bagyo, sobrang hangin!
Ang maling akala ni Elsa
Sakit-sakitan para makaiwas sa pinsan na mayabang!
Pepito, ang pinsan na dapat tularan!
Labanan ng yaman at yabang! Pepito vs. Pinsan!
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below!
Future housemate ni Clarissa, evictee agad sa PBN!
Parinig pa more sa'kin, tita!
POV - Mayaman kayo pero hindi contractor ang tatay mo!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.