
Oh, walang magba-back out sa bakasyon engrande natin this Saturday night (May 3) dahil tuloy-tuloy ang kuwentoversary ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto!
Last weekend, nakilala natin ang investor na si Estelle (Gelli de Belen), mas lalo kaya tumindi ang pagseselos ni Elsa (Manilyn Reynes) dahil panay ang pagpapa-picture nito sa asawa niyang si Pitoy (Michael V.)?
At naku, itong si Eric (Jak Roberto) nakita sa resort ang ex-girlfriend naman niya na si Vanessa (Robb Guinto)!
May chance kaya magkabalikan ang friend ni Chito (Jake Vargas) at kaniyang jowa?
Sumakses sa tawanan ngayong May 3 at manood ng part-two ng Pepito Manaloto: 15 Kuwentoversary, pagkatapos ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa oras na 7:15 p.m..
RELATED CONTENT: 15 actors who appeared on 'Pepito Manaloto'