
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 9.3 percent TV rating last October 25, base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Pre-loved item sale gone wrong!
Gulat na gulat sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) dahil ang mga binibenta ni Clarissa (Angel Satsumi) sa kanyang sale ay ilan sa most prized possessions nilang mag-asawa.
Ano ang nangyari at maling item ang nakuha ng kanilang anak?
Mabawi pa kaya ng dalawa ang kanilang gamit?
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa videos below:
Work hard, huwag asa sa magulang hard!
Pretty office employee by day, machong rider by night
Circle of friends na mahilig mang-backstab!
Meet Johnny, ang bagong Tommy?!
Cara, ni-real talk ang toxic friends!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.