
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 8.8 percent TV rating last April 12 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Kahit multi-millionaire na, nakakatuwang malaman na na-eenjoy pa rin ni Pepito (Michael V.) ang mga maliit na bagay, tulad ng pagpapahinga sa duyan!
Kaya naman ang ating bida milyonaryo, sinetup agad ang bagong biling hammock para makapag-relax!
Pero mukhang sa hirap ng paglagay nito at ang panggugulo ni Tommy (Ronnie Henares) sa mansyon ay magiging mailap ang hanap-hanap niyang pahinga!
Makapagduyan kaya ng matiwasay si Pitoy?
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado:
Robert at Maria, NANALO sa PATALINUHAN!
Robert, Maria, at Baby, wagi sa trivia night!
Elsa, mauuna pang mapikon kaysa pumayat!
PM Mineral employees, umiral ang pagka-brainy!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.