GMA Logo Pepito Manaloto
What's on TV

Pepito Manaloto: Pagbabalik ni Maria, naghatid ng kalituhan!

By Aedrianne Acar
Published March 6, 2026 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Advocacy groups back bill requiring warning labels on unhealthy food
Pedicab driver nabbed for alleged rape of minor neighbor in CDO
Kirk Bondad gives a pageantry 101 lesson on his IG

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto


Maria (Janna Dominguez), ginulat sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa kaniyang pag-uwi sa Pinas.

Todo ang love na ibinigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.

Nakamit ng flagship comedy show ang 7.4 percent TV rating noong February 28 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.

Happy ang buong pamilya nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) nang dumating ang kasambahay nila na si Maria (Janna Dominguez) at anak niyang si Baby Baby galing Dubai.

Pero ang comeback ni Maria, mukhang naghatid ng sakit ng ulo uli sa lahat ng nasa Manaloto Mansion, lalo na sa mag-asawang Manaloto!

Kumusta kaya ang big comeback ni Maria sa buhay ng Manaloto fambam?

Maria's back, fresh from Dubai!

Welcome home, Maria!

Balikan ang mga nangyari sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi:

Pepito, mapapasubo sa matinding aktingan!

Mga pang-BEST ACTOR at ACTRESS na linyahan!

Tommy, sinulot ang role ni Pepito?!

Award-winning actor, NAGWALA sa set?!

Sa go bag ni Elsa, mapapa-stop ka sa bigat!

Elsa, sakuna ang paggawa ng go bag!

Para sa mga Kapuso abroad, maaari ninyong panoorin ang latest episodes ng Pepito Manaloto sa GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com

Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom dito.