
Mukhang nagimbal sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa mga natuklasan nila tungkol kay Clarissa (Angel Satsumi) sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last June 17.
Nahuli kasi ng misis ni Pepito na 'tila may pahiwatig ang chat message nina Clarissa at Jacob (John Clifford) sa isa't isa. Idagdag mo pa na, biglang nagsuka pa ang kanilang unica hija nang kumain ng manga at chocolates.
Tama kaya ang hinala nila na may ipinagbubuntis ang kanilang bunso o isang malaking 'di pagkakaunawaan lamang ang nangyari sa mga Gen X at Gen Z?
Tara na at balikan ang mga tinutukan na eksena sa Father's Day special ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last June 17 video below.
Clarissa, buntis nga ba?!
Heto pa ang ilang highlights ng high-rating Kapuso sitcom na masarap ulit-ulitin.
Mga anak ni Pepito, pumapag-ibig na!
Turumpo 101 with Tito Pepito
Tropang trumpo!
Chito, na-stress sa sosyalan!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.
At kung wala naman kayo sa inyong mga bahay, mapapanood n'yo pa rin ang hatid na tawanan ng Manaloto family via livestreaming tuwing Sabado ng gabi.