
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 8.2 percent TV rating last January 10 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
May tanggalan sa PM Mineral Water! Ito ang plano na narinig ni Cara nang nakita niyang nag-uusap sina Boss Pepito (Michael V.) at Janice (Chariz Solomon).
At ang tatamaan ay sina Mara (Maureen Larrazabal), Vincent (Tony Lopena), at Tere (Cherry Malvar)!
Ano ang dahilan kung bakit may layoff na mangyayari sa kumpanya ng mga Manaloto?
Tama kaya ang intindi ni Cara sa plano nina Pitoy at Janice?
Balikan ang mga nangyari sa sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa videos below:
May mamamaalam sa buhay ng mga Manaloto
Salamat sa masasayang alaala, Bob!
Robert, nilinaw ang kasarian!
Gusto harutan, review ayaw?
Sweet review session nina Clarissa at Jigs
Isa kang ilustrado, Señor Patricio!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.