
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 7.4 percent TV rating last August 15 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Literal na ubos na ubos ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) sa naging encounter niya kay Cocoy Lachica (Gian Magdangal).
Si Mr. Lachica kasi, walang sawa kung makipagchikahan! Umabot pa sa punto na nakisabay pa ito sa sasakyan ng asawa ni Elsa (Manilyn Reynes) at dito nakipag-unli kuwentuhan.
Ano ang gagawin ni Pitoy kay Cocoy nang bumisita ito sa PM Mineral Water para ialok ang Kalinga Health Alliance health care benefits na ino-offer ng kanyang asawa?
May time kaya siya kay Lachica?
Sundan ang iba pang mga nangyari sa sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa videos below:
Chito, naloka sa P85,000 na bag!
Chito at Cara, nag-LQ dahil sa bag!
Roxy, focused sa poging goal!
Elsa, nag-goodbye sa P30,000!
Naisip mo ba 'yon, Patrick?!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.