
Big ang love ng fans para sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento matapos makapagtala ito ng high TV ratings nitong Sabado ng gabi.
Nakakuha ang flagship comedy show ng 10.4 percent TV rating last September 28 base sa datos ng NUTAM People Rating na mas mataas sa katapat nitong programa.
Ang asawa ni Elsa (Manilyn Reynes), isang linggo nn jetlagged at hirap makatulog matapos umuwi sa trip niya sa Amerika.
Kaya pinayuhan nila si Pepito (Michael V.) na magpa-checkup sa Sleep Center ng Alpha Health Medical Center para malaman kung may sleep disorder na ito.
Pero paano kaya makakatulog ang ating bidang milyonaryo kung ang makakasama niyang pasyente ay si Mr. Lopez na tila laging galit.
Madiskubre kaya niya ang sanhi kung bakit hindi siya makatulog sa Sleep Center o mas malagim ang mangyayari kung makakasama niya mag-overnight sa ospital ang nakaka-'shokot' na si Mr. Lopez?
Balikan ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi:
Pepito, ginapang ng lalaki sa kama?!
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
Patrick, biktima ng vloggers na pranksters!
Patrick, nanalo ng libreng earphones mula sa vloggers!
Best friend ni Pitoy, magnanakaw daw!
Pamangkin ni Mimi, certified Malou Kho!
Mimi, may bagong modus sa FB live!
OFW na dinalaw ng kamag-anak na mukhang pera!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.