
Madadamay si Pepito (Michael V.) sa 'walking era' ni Elsa (Manilyn Reynes)!
Dahil sa nararamdaman na stress, pinayuhan ng doktor ang misis ni Pitoy na gumawa ng activities para mabawasan ito.
Ang sagot ni Mrs. Manaloto ay maglakad-lakad pero 'SOAFER OA' naman ang naging habit nito.
Nang naisipan ng Manaloto fambam na pumunta sa isang restaurant sa labas ng kanilang village ay kinumbinsi ni Elsa ang lahat na maglakad.
Ang pinoproblemang stress ni Elsa, mapasa kaya niya sa mga kasama sa mansyon?
Tutukan ang isa na naman masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na April 18, 7:15 p.m.