
Kung si Robert (Arthur Solinap) na-meet ang 'tila long-lost twin niya na si Raymond last weekend, makikilala naman ni Pepito (Michael V.) ang isa niyang super fan!
Sa upcoming episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, ma-e-encounter ni Pitoy ang businessman na si Philip Morales na gustong maging distributor ng PM Mineral Water.
Legit fan ng mister ni Elsa (Manilyn Reynes) si Philip dahil ang suot nito ang ginagaya niya.
Nagulat pa nga ang mag-asawang Manaloto nang lumipat ang pamilya ni Philip sa same subdivision nila at mas lalong nakapagtataka na halos perfect copycat ng Manaloto fambam ang Morales family!
Bakit kaya ginagaya ni Philip si Pepito?
Mas kuwela ang episode ng Pepito Manaloto this weekend dahil special guests sina Sparkada member Larkin Castor, Charlie Fleming, Lorenz Martinez, at Sharmaine Suarez.
Mag-relax with the whole family, habang nanonood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado (November 11) sa oras na 7:00 pm, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.