
Election season na sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento!
Mainit ang bakbakan sa pagiging presidente ng village Woodland Hills Homeowners association kung saan nakatira sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes).
Susubukan ulit manalo ni Mimi (Nova Villa) kontra kina Jasper at ang current president na si Madam Sher.
Pero, magkaroon kaya ng tampuhan sa pagitan nina Mimi at Manaloto family nang kumalat sa social media na tatakbo si Pitoy bilang bagong president ng Woodland Hills?
Ikampanya na sa buong pamilya na manood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:15 p.m. ngayong February 22, 2025, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
RELATED CONTENT: Throwback: Off-cam bonding ng Pepito Manaloto actors