What's on TV

Pepito Manaloto: Robert at Maria, nagkapalit ng trabaho?

By Aedrianne Acar
Published April 8, 2021 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Brianna Ang yet to map out future after ending Palarong Pambansa journey with Bacolod
Alex Eala is part of Forbes' '30 Under 30' list
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode on April 10


Abangan ang big switch na mangyayari sa 'Pepito Manaloto Kuwento Kuwento' sa Sabado ng gabi, April 10, mga Kapuso!

May mangyayaring big switch sa Pepito Manaloto Kuwento Kuwento ngayong Sabado ng gabi, April 10.

Magugulat sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) nang malaman nila nagpalit ng trabaho ang driver nila na si Robert (Arthur Solinap) at kasambahay na si Maria (Janna Dominguez).

Maging effective kaya ang switching of their roles o magdulot ito ng katakot-takot na problema sa Manaloto mansion?

Isang malungkot na balita ang matatanggap ni Pitoy at kaibigan niya na si Patrick (John Feri) nang malaman nila na isang kaklase nila ang pumanaw.

Pepito Manaloto episode this coming April 10

Ano ang mangyayari kapag nagkaroon sila ng online reunion para sa yumaong classmate?

Panoorin ang paunang patikim ng award-winning sitcom sa episode this week sa video above o panoorin DITO.

Mag-relax this weekend at manood ng all-new episode Pepito Manaloto Kuwento Kuwento sa darating na Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa Sabado Star Power sa gabi.