
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 8.7 percent TV rating last September 6, base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Isa ba kayo sa umiyak nitong weekend sa madamdaming special episode ng award-winning Kapuso sitcom nina Michael V. at Manilyn Reynes?
Mahalang topic ang tinalakay sa episode ng Pepito Manaloto na tungkol sa mental health.
Muli kasing reunited sina Pepito (Michael V.), Elsa (Manilyn Reynes) at Patrick (John Feir) sa dati nilang guro sa Caniogan High school na si Ms. Galang (Daria Ramirez).
Kaso, maaalala pa kaya ang tatlo ng kanilang teacher lalo na at meron na siyang dementia?
Panoorin muli ang may kurot sa puso na episode ng Pepito Manaloto DITO.
Pepito, Elsa, at Patrick, babalik sa pagkabata!
Chito at Clarissa, kalokalike ng mga magulang!
PitSa at Patrick, pinasaya ang dating English teacher!
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa videos below!
Kung ganito ang mananakot sa'yo, KAKASA ka ba?
KTV ba ito o presinto?!
Berta, bantay-sarado ang mga loko-loko!
Ahente tips ni Tito Pepito
Salesman na iyakin, budol pala!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.