
Bukod sa nakakaaliw at puno ng aral na istorya sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, nakapagtala ang Kapuso flagship comedy program ng mataas na ratings last weekend.
Base sa datos ng NUTAM People Ratings noong October 21, nakakuha ng 11.4 percent ang patok na sitcom kontra sa katapat nitong programa.
Napanood natin ang pagdating ng striktang tiyahin ni Elsa (Manilyn Reynes) na si Tiyang Lena (Shamaine Buencamino) na galing Amerika.
At kahit matagal nang mag-asawa sina Elsa at Pepito (Michael V.), hindi pa rin maiwasan ng ating bida milyonaryo na matakot dito.
Kahit ang mga anak ng dalawa at kasamahan sa mansyon, nakatikim ng pagiging strikta ni Tiyang Lena.
Pero teka, ano nga ba ang dahilan ni Tiyang Lena sa paghihigpit nito?
Alamin sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi.
Tiyang Lena, nasobrahan sa disiplina?
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
Sino ang pinaka kinatatakutan ni Pepito?
Lagot sa terror lola!
Vegan ng jowa 'yan!
Elsa, the kung fu panda?!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.