
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 7.0 percent TV rating last June 28 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Tama nga ba si Vincent (Tony Lopena) nang inilarawan niya si Tere (Cherry Malvar) na isang AI o Aling Ilusyonada?
Hindi kasi makapaniwala si Vincent na may guwapo at matipunong boyfriend na ang katrabaho.
Pero may malaking problema si Tere dahil aakusahan siya ng nanay ni J-Boy (Pancho Magno) na ginayuma ang anak!
May kababalaghan ba ang ginamit ni Tere na pink candle para magka-jowa?
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi:
Ungkatan ng past! ChiNikki vs. ChiCara?
Chito, minumulto pa rin ng past!
Ang sweet at nakakainggit na duet ng ChiCara!
Ilang buhay na naman kaya ang napag-usapan?
CaraChi, ang loveteam na nananakit?!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.